COMELEC, dumipensa sa mabilis na pag-transmit ng mga election returns

Pinalagan ng Commission on Elections ang mga kume-kuwestyon sa naging intergridad ng halalan partikular ang naging mabilis na transmission ng election results sa kabila ng mga naging aberya sa mga vote counting machines.

Ayon sa COMELEC, sadyang mas pinaghandaan lang daw talaga nila ngayon ang halalan.

Sa pahayag, sinabi ng poll body na nag-upgrade sila ng mga kagamitan at teknolohiya para sa mas mabilis na pag-transfer ng mga election returns para sa mabilis na initial canvassing.

Sa katunayan, alas-onse pa lamang ng gabi kahapon ay aabot na agad sa 80,000 ang mga nata-transmit na mga resulta.

Samantala, sa mga oras na ito ay nagsasagawa ng kilos protesta ang iba’t-ibang mga grupo sa tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Manila.

Isinisigaw nila ang ‘di umano’y kwestyonableng resulta ng halalan base sa inisyal na unofficial count ng COMELEC.

Tinututulan nila ang nakaambang pag-upo ng tambalang Marcos at Duterte.

Naka-puwesto naman na ang mga tauhan ng PNP sa palibot ng COMELEC para matiyak ang seguridad sa demonstrasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *