Comelec en banc, binura na sa listahan ng certified list of candidates for BSKE 2023 ang pangalan ng Kapitan ng Cabas-an, Aroroy na una nang nadiskwalipika

 ‘Final and Executory’ na, kung kaya’t binura na ng Comelec en banc ang pangalan ni Aniano Pancho Capinig sa list of candidates for 2023 BSKE.

Nakasaad sa sipi o excerpts sa minutes ng Executive Session ng Comelec noong Oktubre 25 ang sumusunod; Ito ay tumutukoy sa Petition to Disqualify na inihain ng isang Eduardo Padre Morado laban kay Capinig noong Setyembre 2, 2023 dahil kinatigan ito ng Br 47, RTC, Masbate City na ‘’guilty beyond reasonable doubt’’ to the lesser offense of two counts of violation of section 31 of RA 10591 o ang illegal possession  of firearms and ammunition, at ipinataw ang parusang pagkakakulong ng dalawang taon pinakamababa hanggang 6 na taon bilang maximum at bayaran ang multa sa halagang P10K bawat kaso.

Kung babalikan, si Capinig  ay na-flagged down sa Brgy Panique, Aroroy sa ikinasang checkpoint ng mga awtoridad at nakuhanan ito ng kalibre 45 na pistola na kargado ng 7 bala at extra na 15 pirasong bala para sa kaparehong baril.

Nahatulan ito ng ‘guilty beyond reasonable doubt’ ng RTC Br 47 noong Abril 18, 2023.

Ang decision ay pinagtibay ni Comelec Presiding Commissioner Marlon Casquejo.

Si Capinig ay ang pang-apat na Punong Barangay sa bansa na diniskwalipika ng Comelec sa BSK Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *