Comelec hindi prayoridad ang pagsampa ng kaso laban sa mga gurong umatras

Inihayag ng Commission on Election na hindi nila prayoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa mga gurong umatras na magsilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia ang mahalaga sa kanila ngayon ay malaman ang dahilan ng mga teachers para hindi na ito maulit sa mga susunod pang halalan.

Sinabi pa ni Garcia, na maaaring magsampa sila ng kasong adminsitratibo kung hindi valid ang mga dahilan nito.

Hindi naman sinabi ng kalihim kung ilang teacher ang nag back-out pero karamihan sa mga ito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit naantala ang botohan sa Lanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *