Comelec, iginawad Miru ang P18.8 bilyon proyekto para sa halalan 2025

Iginawad ng Commission on Elections sa Korean firm na Miru ang P18.8 bilyong automated elections projects para sa Halalan May 2025.

Sa ilalim ng full automatation system with transparency audit count o fast-track project ang joint venture ng Miru kasama ang tatlong Pilipinong kumpanya ang magsu-suplay ng makinang gagamitin para sa midterm elections.

Kabilang dito ang P100K poll counting machine, ballot boxes at consolidation and canvasing system para sa bilangan.

Ayon sa Comelec naging pabor sa Miru ang bidding dahil sa pagtalima nito sa hiling ng ahensya na pabilisin ang feeding ng mga balota sa Makina na tinatayang a-abot na lang sa dalawa hanggang tatlong segundo.

Nilinaw naman ng Comelec na re-rentahan lang nila ang mga makina mula sa Miru dahil sa inaasahang pagbabago ng teknolohiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *