COMELEC, ilalabas na susunod na linggo ang desisyong tanggalin na ang smartmatic sa NLE 2025

Ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang desisiyon sa petition na idiskuwalipika ang Smartmatic sa bidding para sa kontrata ng voting equipments sa 2025 Midterm elections.

Sa araw ng Miyerkules, Nobyembre a-8 sinasabing iaanunsyo ng Comelec ang draft na desisyon na ipiprisenta naman sa En Banc.

Doon malalaman kung tuluyan ng madidiskwalipika ang Smartmatic o hindi na nadadawit sa usapin ng manipulasyon na nangyari noong 2022 National and Local Elections na tahasan namang itinanggi ng pamunuan ng naturang voting machine company.

Nabatid na si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Eliseo Mijares Rio Jr., Augusto Cadelina Lagman, Franklin Fayloga Ysaac, at Leonardo Olivera Odono ang naghain ng petisyon kontra Smartmatic.

Kaugnay nito, tuluyan ng binuksan ng Comelec ang bidding para sa P18. 827 bilyong lease contract para sa bagong automated election system na gagamitin sa 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *