Comelec, inanunsyo ang pagsisimula ng overseas voter’s registration

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na magpapatuloy ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 12, 2025.

Kaugnay nito, inanunsyo ni Director for Overseas Voting Sonia Bea Wee-Lozada na magsisimula ang overseas voter’s registration sa December 9, 2022, at tatagal hanggang September 30, 2024.

Kasama sa pagpapatuloy ng overseas voting registration ang registration sa Manila partikular para sa mga Pilipinong paalis ng bansa at inaasahang aabutan ng halalan sa taong 2025.

Nilinaw rin ni Wee-Lozada, na bagama’t isang araw lang ang halalan sa Pilipinas, ang mga overseas Filipino ay mayroong 30 araw para makaboto sa 2025.

Samantala, inanusyo rin ng Comelec ang pilot implementation ng Register Anywhere Project, na gagawin mula December 17, 2022 hanggang January 22, 2023, pero gaganapin lang kada Sabado at Linggo maliban sa mga araw na holiday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *