COMELEC, itinanggi ang ulat ukol sa BSKE 2023 daw ang madugong halalan sa Mindanao

Pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ulat na nagsasabing ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang pinakamadugong halalan sa nakalipas na dekada sa autonomous region sa Mindanao.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia,ang kabuuang bilang lang nilang naitala ay 19 election-related deaths at 29 election-related violence, na na-verify ng Philippine National Police.

Sinabi naman ng Council for Climate and Conflict Action Asia, na-monitor nito ang 200 ulat ng mga kritikal na kaganapan sa mga lalawigan sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang na dito ang mga insidente ng pamamaril, pananaksak, pag-hack, riot at suntukan, gayundin ang panggigipit at pananakot sa mga botante at tagasuporta ng mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *