National

Comelec magsasagawa ng pilot test sa automated poll system sa tatlong bgy sa QC at Cavite para sa BSKE

Magsasagawa ng pilot test ng kanilang automated election system ang Commission on Elections o Comelec sa tatlong barangay sa Quezon City at Cavite para sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, napili para sa pagsasagawa ng pilot testing ng AES ay ang Zone II Poblacion at Paliparan III sa Dasmariñas City, Cavite at Barangay Pasong Tamo sa 6th District ng Quezon City.

Angn pagpili sa mga nabanggit na barangay bilang pilot testing ay resulta ng regular hearing ng House  Committee on Suffrage and Electoral Reforms kung saan naabot ang desisyon sa mutual consultation at mutual agreement sa pagitan ng Kamara at Comelec.

Samantala, binanggit rin ni Laudiangco na magkakaroon ng maliliit na pagbabago sa Calendar of Activities para sa mga barangay na ito, kabilang ang paghahain ng Certificates of Candidacy ng mga aspirante.

Ang tatlong barangay ay mayroong halos 112,000 na mga rehistradong botante.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

4 hours ago

DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon…

5 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.…

5 hours ago

China – nanindigang ‘di aalisin ang mga barko sa mga teritoryo ng Pilipinas

Hindi sinunod ng China ang utos ng Pilipinas na alisin ang kanilang barko sa teritoryong…

5 hours ago

Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na…

5 hours ago

Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng…

5 hours ago