Comelec, mahigpit na imomonitor ang pol ad spending sa socmed

Mahigpit na babantayan ng Commission on Elections ang gastos para sa political ads sa social media para sa nalalapit na 2022 elections.

Naniniwala kasi ang Comelec na tataas ang pag-gamit ng social media at online platforms para sa campaign ads, sa gitna ng planong limitahan ang kampanya dahil sa nagpapatuloy na banta coronavirus disease pandemic.

Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho Jr., ang online ads ay pasok bilang broadcast ads, kung saan i-aaplay ang mga panuntunan para sa spending limits.

Paliwanag ni Kho, ang campaign ads sa social media ay nananatili paring paid for at kailangan paring ideklara ng mga kandidato ang naturang expenses sa kanilang statement of contribution and expenditures (SOCE).

Giit ng poll official, ang paglampas sa ad spending para sa electoral campaign ay isang paglabag, kasabay ng babala na marami nang political candidates ang una nang nadiskwalipika, dahil sa excessive spending. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *