COMELEC Naga 80% nang handa para sa pagsisimula ng voter’s registration sa Pebrero

NAGA CITY – Nasa 80% nang handa ang Commission on Election o COMELEC Naga para sa pagsisimula ng voter’s registration sa buwan ng Pebrero ngayong taong 2024 para sa buwan ng Mayo 2025 National at Local Election.

Ito ang napag-alaman kay Atty. Maico Julia, Election Officer ng opisina, kung saan inihahanda na ang mga gagamitin sa pagpaparehistro katulad ng mga forms, equipment, at ang manpower lalo na’t inaasahan ang mas maraming magpapa-rehistro na magtatapos sa buwan ng Setyembre 30, 2024.

Maliban pa riyan, magsasagawa na rin ng koordinasyon sa mga Barangay, sa mga malls, at sa mga paaralan sa lungsod para sa gagawing satellite at mobile registration bilang ekstensyon ng serbisyo.

Bukas sa lahat ng mga new registrant o bagong botante, pagpapare-activate sa mga tinanggal sa listahan dahil sa dalawang beses na hindi nakapagboto, transfer o paglipat mula sa ibang barangay o lilipat sa naturang lungsod, pagpapa-ayos o correction entries lalo na ang pangalan, change status kung kasal na ang botante, at iba pa.

Panawagan na rin ng opisyal na samahan at samantalin ng publiko ang pagkakataon na makapagparehistro sa 2025 na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *