CSC Regional Office nagpaalala sa mga empleyado ng Gobyerno na panatilihin ang magandang asal sa pagta-trabaho

NAGA CITY – Muli na namang nagpaalala ang Civil Service Commission Regional Office sa mga empleyado na panatilihin ang magandang pag-uugali sa kanilang pagta-trabaho, para maiwasan na ireklamo ng publiko, lalo na ang mga nasa frontliners.

Ayon kay Atty. Daisy Bragais, Regional Director ng komisyon sinabi niya na dapat approachable ang mga empleyado, nakangiti at magiliw na nakikipag-usap kahit na nakukulitan na sa kanilang kliyente.

Kaugnay nito, ang LGU-Calabanga nagkaroon na rin ng trainings /seminars sa kanilang mga empleyado para matiyak na nasusunod nila ang panuntunan ng CSC at makontento ang publiko sa kanilang serbisyo.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Calabanga Municipal Councilor Adonis Aguilar Jr., sinabi niyang lagi nilang ginagawa ang paalala sa mga empleyado ng munisipyo, mula sa Office of the Mayor, Ttreasurer’s Office at iba pa hanggang sa Sangguniang Pambayan.

Dagdag pa ng opisyal nakikita nilang isa sa dahilan ng pagiging masungit ng empleyado ay ang minsang delayed na pagpapasahod na kanila nang sinusolusyunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *