COMELEC Naga nakapagtala ng mahigit 100 mga nagparehistrong botante sa unang araw ng pagbabalik ng voter’s registration

NAGA CITY –Sa pag-arangkada ng unang araw ng voter’s registration, ang COMELEC – Naga ay nakapagtala agad ng 128 na mga nagpa rehistro at mayoriya sa mga ito ay mga kabataang lalahok sa paparating na Sanguniang Kabataan (SK) at Barangay Elections na mangyayari sa Disyembre.

Ang mga kabataang nagparehistro ay nasa pagitan ng 15 hanggang 17 taong gulang, bukod diyan iyong mga nagparehistro mula 18 hanggang 30 taong gulang na konsideradong SK members parin.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Atty. Maico Julia Jr.,Comelec officer ng lungsod, sinabi nito na inaasahan na niya ang ganitong senaryo na mas maraming mga kabataan ang magpapa rehistro kung ihahambing sa mga adult voters.

Sa pagtataya mas dadami pa ito sa mga susunod pang mga araw , hanggang sa last day nito sa July 23.

Muli nilinaw ng abogado na ang sinumang individual na tumira na ng anim na buwan pataas ay puwede ng magpa rehistro, kahit mga estudyante na mga nagbo-boarding house sa lungsod.

Ang mahalaga ay mapatunayan niyang nasa lungsod na siya sa loob ng anim na buwan, magpa rehistro na, sabi pa ni Julia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *