COMELEC nagpalabas na ng resolution sa gun ban bilang paghahanda sa barangay at sk election

NAGA CITY – Nagpalabas na ng Resolution ang Commission on Election o COMELEC sa Gun Ban bilang paghahanda sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Atty. Maico Julia Jr. Comelec Officer ng Naga City, ito’y nakasaad sa Comelec Resolution No. 10918.

Kaugnay nito, nakasaad rin sa naturang Resolution ang mga Guidelines at mga proseso sa mga nagnanais mag-apply ng Gun Ban Exemption o kaya naman ang Certificate of Authority.

Kabilang na riyan ang mga personahes ng PNP, AFP at iba pang Law Enforcement Agency.

Bukas naman ang opisina ng COMELEC para sa iba pang mga katanungan kaugnay ng naturang Resolusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *