COMELEC, nanawagan ng P6.7Billion na pondo para sa mga bagong VCMs sa 2025 elections

Nais nang iretiro ng Commisison on Elections ang mga ‘refurbished’ vote counting machines bago pa man ang 2025 midterm elections.

Sa pagharap ng poll body sa pagdinig ng Senate electoral reforms committee, inirekumenda ni COMELEC chairperson Saidemen Pangarungan na maglaan ng pondo na nagkakahalaga ng aabot sa P6.7Biliion para makapag-lease ng 97,000 units ng mga VCMs.

Giit ni Pangarungan, napilitan ang COMELEC na gamitin ang mga lumang makina kaya naman naranasan ang pagpalya ng mga ito sa nagdaang national elections.

Iginiit nito na 13 na ang edad ng mga VCMs kaya kailangan na itong palitan.

Aminado naman ang chairperson ng kumite na si Senadora Imee Marcos na masiyadong mabigat ang pondong kinakailangan para mapalitan ang mga makinang ginagamit sa automated elections.

Iminungkahi ni Marcos na unahing palitan ang mga pinaka-lumang VCMs at unti-untiin na lamang ito.

Isinagawa ang pagdinig sa Senado bilang bahagi ng post-assessment ng May 2022 elections.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *