COMELEC, pinaalalahanan ang mga kandidato, na baklasin na ang mga campaign materials

Mahigpit ang paalala ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato, nanalo man ‘o natalo na baklasin na nila ang kani-kanilang mga posters at iba pang campaign materials.

Sa abiso, sinabi ng poll body na mayroon na lang sila hanggang sa Nov. 4 para gawin ito.

Samantala, nagpaalala rin ang COMELEC sa pagsusumite nila ng SOCE, ‘o ‘yung Statement of Contributions and Expenditures.

Sa ilalim ng bata, hindi pahihintulutan ang kandidatong maka-upo sa puwesto hanggat ‘di sila nagdedeklara ng mga nagastos nila sa pangangampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *