COMELEC pinaghahandaan ang special elections sa Negros Oriental para sa posisyon ni dating Cong. Arnie Teves

Posibleng ilagay sa control ng Commission on Elections ang third district ng Negros Oriental para sa special elections nito sa Disyembre upang mapunan ang nabakanteng pwesto sa kongreso ni Arnolfo Teves, Jr.

Nangangahulugan ito na poll body ay may direktang pangangasiwa sa mga tanggapan ng gobyerno at mga ahensyang nagpapatupad ng batas.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, naghahanda na sila sa paghahain ng certificates of candidacy, na gaganapin sa Nobyembre 6 hanggang Nobyrembre 8.

Nang tanungin naman kung maari pa ring makatakbo si Teves sa halalan, sinabing nitong hanggang walang final jdugement of conviction ay puwedeng makatakbo ang isang kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *