COMELEC, positibong nasa kalahati ng 12M na Pilipino abroad ang makapagpaparehistro sa Internet voting sa 2025

Positibo ang Commission on Election (COMELEC) na nasa kalahati ng 12M ba Pilipino abroad ang makapagpaparehistro sa 2025 midterm election sa oras na maipatupad ang internet voting.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, 39% lamang ng ang naging voter turnout ng Overseas Filipino (OF) noong 2022 national elections o humigit-kumulang 600,000 mula sa mahigit 1.6M OF na mga botante.

Bunsod nito, kasabay ng naging deliberasyon ng pondo ng ahensiya para sa susunod na taon sa House Appropriations Committee ay iginiit nito ang budget para sa internet voting.

Sa kasalukuyan, mayroon pa lamang aniyang 400,000 ang nakapagparehistro para sa 2025 elections mula sa humigit kumulang 12 million Pilipino na nasa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *