COMELEC – sinuspinde ang lahat ng proceedings para sa People’s Initiative

Ihihinto na muna ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtanggap ng mga lagda na mayroong kinalaman sa People’s Initiative (PI) na layong amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia – ito ay para magbigay-daan sa mga pagre-review sa mga polisiya hinggil sa PI.

Sabi pa ni Garcia – ‘indefinite’ ang suspension hanggat wala pang nababalangkas na credible at ‘enhanced rules’ para rito.

Nanawagan din ang poll body chief na huwag bigyan ng kulay o haluan ng pulitika ang desisyon ng en banc.

Samantala, hati naman ang reaksyon ng ilang mga Senador hinggil sa desisyon ng poll body.

Sabi ni Majority Leader Joel Villanueva – maituturing na tagumpay ang pagtugon ng pamahalaan sa umano’y totoong damdamin ng taumbayan.

Wi-nelcome naman ni Senador JV Ejercito ang desisyon ng COMELEC.

Aniya, ikinatutuwa rin niyang mayroon pa raw mga ‘sensible’ na government officials./

Sabi naman ni Senadora Risa Hontiveros – patuloy daw silang magma-matiyag dahil kahit pagbali-baliktarin pa, dapat daw ibaon ang naturang inisyatibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *