Comelec Sorsogon, nagbigay ng mungkahi sa mga nais magreklamo at hindi kumbinsido sa resulta ng halalan

Nagbigay ng mungkahi ang Commission on Elections (COMMELEC)-Sorsogon  sa mga kandidatong nais magreklamo sa naging resulta ng kakatapos na BSK Election 2023.

Sa panayam ng Brigada News kay Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino, sinabi nito na may karapatan na maghain ng reklamo ang sinumang kandidato na hindi kumbinsido sa resulta ng halalan.

Gayunpaman, binigyang diin nito na ang Electoral Board ang magdedesisyon at mangangasiwa sa mga nagrereklamong kandidato.

Ibig sabihin, sakaling ang reklamo ay nadesisyunan at sinang-ayunan ngĀ  electoral board, maaaring humingi ang nagrereklamo ng certificate of resolution kung saan pagkatapos ng proklamasyon ng nanalong kandidato at desidido pa rin ang natalong kandidato na ipagpatuloy ang kanyang protesta ay maaari itong manghain ng tinatawag na election protest sa Municipal Trial Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *