Comelec, susuriin ang natanggap na 400 signature forms

Iimbestigahan ng Commission on Elections ang mahigit 400 signature forms mula sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, susuriin nilang mabuti bawat pirma at aalamin kung tinakot o binili ba ang mga signature ng mga residente.

Nais ng mga nasalikod ng peoples initiative na pagsamahin ang boto ng Senado at Kamara sa halip na magkahiwalay .

Pero kailangan muna ng pirma ng 3% ng lahat ng registered voters sa mga legislative district at 12% sa lahat ng mga registered voters sa buong bansa.

Magkakaroon lamang ng hurisdiksyon ang Comelec kung may maghain ng petisyon para sa people’s initiative at maideklara itong sufficient inform substance matapos nito pwede ng maglabas ng direktiba ang Commission tungkulo sa petisyon.

Sinabi ni Garcia kung mapapatunayang ilegal ang nasabing pagpirma ng mga botante posibleng makasuhan ang mga nasa likod nito halimbawa diyan ang paglabag sa anti-graft and corrupt practices act kung pondo ng bayan ang ginamit.

Paalala ng Comelec sa publiko na huwag basta lumagda kung hindi na iintindihan ang pipirmahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *