Comelec, tiniyak na hindi na mauulit 7-hour glitch noong May 2019 polls

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na ang karagdagang paghahanda para sa May 2022 polls ay dapat mapigilan ang pagkaulit sa kontrobersiyal na “seven-hour glitch” sa May 2019 polls, kung saan walang laman ang vote tally para sa mga media partners, ilang oras noong gabi nang magsara ang botohan.

Ayon kay poll commissioner George Garcia, idinagdag na ang hiwalay na server sa existing automated elections system (AES) para maka-access ang media sa running total ng mga botong bibilangin ng Comelec, at matugunan ang congested electronic platform sa nakaraang halalan.

Dadag ni Garcia, nangyari ang glitch sa tinatawag na transparency server, kaya ito ang sinigurado ngayon ng komisyon na hindi na mauulit.

Tinutukoy ng commissioner ang glitch gabi ng May 13, 2019 polls na nagkaroon ng mahabang interruption sa pagpapadala ng canvassed votes mula sa transparency server ng Comelec papunta sa digital stream na para sa mga media companies.

Ang glitch ay nagdulot ng disrupted real-time news updates sa broadcast, print, at online. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *