Comelec, tuloy ang paghahanda para sa 2022 BARMM polls sa kabila ng…

Inihayag ng Commission on Elections na tuloy parin ang kanilang paghahanda para sa 2022 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections, sa kabila ng nagpapatuloy na talakayan sa Kongreso para sa pagpapaliban nito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, batid umano nilang may mga critical matters na tinatalakay partikular na ang pagbuo ng Bangsamoro Electoral Code, maging ang completion ng districting sa Bangsamoro.

Sa kabila nito, sinabi ni Jimenez, na hindi sila maaring lumaktaw, pagdating sa usapin ng paghahanda para sa naturang halalan.

Una nang inihayag ni Sen. Francis Tolentino, sponsor ng  Senate Bill 2214, na ang COVID-19 pandemic ay isa sa malaking hamon para matapos ang priority programs at projects ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ang BTA ay ang dapat mangangasiwa sa BARMM hanggang sa May 2022 regional polls, na isasagawa kasabay ng 2022 national at local elections. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *