Commander ng Coast Guard District Bicol, nagsagawa ng inspeksyon sa gitna ng pagdagsa ng mga pasahero sa Matnog Port

Sa gitna ng pagdagsa ng mga pasahero at sasakyan sa Matnog Port, Sorsogon, nagsagawa ng port visit ang commander ng Coast Guard District Bicol na si CG Commodore Philipps Soria.

Ang pagbisita at inspeksyon ay upang matiyak ang organisado, ligtas at secure na karanasan sa paglalakbay para sa publiko na nagnanais na umuwi sa kanilang probinsya ngayong Undas at at samantalahin ang long weekends.

Nakipag-ugnayan ang opisyal sa lahat ng istasyon, mga sub-station at mga operational units para subaybayan ang sitwasyon sa mga daungan at paigitingin ang pagpapatupad ng mga tungkuling ipinag-uutos ng Phil Coast Guard para sa kalidad ng serbisyo publiko.

Noong Oktubre 30 ay halos 5K na outbound passengers at 430 inbound passengers ang naitala na dumaan sa pantalan.

Meron namang 199 vehicle ang nakapila at naghihintay sa loob ng port, nasa 120 ang sasakyan at mahigit 300 na pasahero.

Ang Matnog Port, bilang gateway sa Timog, ay isa sa mga pinaka-abalang daungan sa bansa. Pinipili ng karamihan ng mga pasahero at sasakyang bumibiyahe mula Luzon papuntang Visayas at Mindanao ang daungan na ito bilang kanilang daanan, kaya libu-libong pasahero ang naitatala araw-araw.

Sinamahan si Commodore Soria sap ag-inspeksyon nina CG CDR Christian Jazmin, commander ng CG Station Sorsogon at CG ENS Jonel Cadiz, commander ng CGSS Matnog Port.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *