Community pantry, nag sulputan na rin sa Pampanga

Nag sulputan na rin sa iba’t ibang bayan at syudad sa lalawigan ng Pampanga ang mga community pantry.

Dito pu-pwedeng magbigay ang mga nais makatulong at kumuha ang mga nangangailangan.

Isa sa mga nakiisa sa paglalagay ng community pantry ang Metro Bean Coffee and Bistro, ayon sa kanilang facebook post mapupunta sa community pantry ang bahagi ng kanilang daily sales at maaari ring makipag ugnayan sa kanila ang mga indibidwal na nais din magpaabot ng tulong.

Bukas ang kanilang community pantry mula alas dyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

De-lata, gatas, condiments, noodles, at bigas ang makikita sa kanilang pantry, habang sa ibang community pantry naman sa Pampanga ay merong gulay, prutas at bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *