Local News

Community pantry tampok sa isang eskwelahan sa bayan ng Mercedes

MERCEDES, CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang pag usbong ng Community Pantry sa iba’t- ibang panig ng bansa at laganap na rin ito ngayon dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

Matapos ngang maging patok  ang community pantry sa Maginhawa, Quezon City ay marami nang lugar ang nagsagawa na rin ng kahalintulad na aktibidad sa diwa ng pagbabayanihan.

Nitong weekend, naglunsad ng community pantry ang Pablo Villafuerte High School sa Brgy. Matoogtoog sa bayan ng Mercedes.

Ito ay sa tulong na rin ng mga nagbigay ng suporta sa eskwelahan dahilan upang maisakatuparan ang aktibidad.

Ang nalikom na mga donasyon ay ipinamahagi sa mga magulang  ng mga mag-aaral na nagsagawa naman ng “Brigada Eskwela Plus”

Mahigpit ding ipinatupad ang health and safety protocols sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Matatandaang nagsimula ang mga Community Pantries sa National Capital Region (NCR), ang itinuturing na epicenter ng COVID- 19 pandemic para tulungan ang mga naghihirap na Pilipino na maitawid ang kanilang pang- araw- araw na pangangailangan.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago