Composite sketch ng mismong gunman ng radio broadcaster, ilalabas sa lalong madaling panahon

Siniguro ng ‘Special Investigation Task Group – Johny Walker’ na ilalabas nila sa lalong madaling panahon ang composite sketch ng gunman sa oras na ma-identify na ito.

Kung maaalala kasi – una nang inilabas ang sketch ng isa sa mga suspek, pero hindi pa ang mismong bumaril sa brodkaster na si Juan Jumalon.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Misamis Occidental Police PIO PLt. Alma Pescador, sinabi nitong tinitingnan na ng mga otoridad lahat ng angulong posibleng may kinalaman sa motibo sa madugong pagpaslang kay Jumalon.

Sa ngayon, wala pa aniya silang natatanggap na mga report o sumbong na may kaugnayan sa kinaroronan ng mga suspek matapos na ianunsyo ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS na mayroong P100K na pabuya sa sinumang makapagbibigay-impormasyon sa kinaroroonan ng mga salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *