Local News

Comprehensive Health Plans and Programs ng probinsya ng Sorsogon pinuri ng DOH

Pinuri ng Department of Health (DOH) National ang Comprehensive Health Plans and Program ng Sorsogon.

Kinilala at pinuri ni DOH Secterary Maria Rosario Vergerie ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan ng lalawigan.

Kinilala rin nito ang programang Kalusugan, partikular ang inisyatiba ng Doctors to the Household, kung saan bumibisita ang mga doktor sa malalayong barangay na naaayon umano sa programa ng DOH, at pinuri niya ang pagsisikap ng Provincial Government sa pagpapatupad nito.

Kaugnay nito, nangako ang kalihim na tutulungan ang Provincial Health Office (PHO) Sorsogon  na i-upgrade mula sa level 2 hanggang sa level 3 ang antas ng Sorsogon Provincial Hospital dahil sa pagtaas ng demand para sa mga serbisyo nito bukod pa sa pagpopondo sa mga kasalukuyang proyekto ng nasabing ospital upang higit pang mapabuti ang mga serbisyo nito.

Pinasalamatan naman ni Gov. Edwin Hamor ang Kalihim sa suporta nito kasabay ng pangako na susunod ang lalawigan sa anumang mga regulasyon na  ipatutupad ng DOH upang mabigyan ng mas mabuting pangangalagang pangkalusugan ang mga Sorsoganon.     

                                                                                                                                     

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Chinese diplomat – ipinatawag ng PH matapos ang water cannon bombing incident

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…

2 hours ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng mga otoridad

Isinailalim na sa medical at booking procedure sina Deniece Cornejo at Simeon Raz - dalawa…

2 hours ago

Vhong Navarro – wi-nelcome ang conviction laban kina Cornejo, at iba pa

Wi-nelcome ng actor-host na si Vhong Navarro ang naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court…

2 hours ago

Pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’ – kinundena ng ilang grupo

Kinondena ng Kabataan Partylist ang umano'y ilegal at marahas na pag-aresto sa mga kabataan na…

2 hours ago

PCG personnel na binomba ng tubig ng China – pararangalan

Kinilala ni Philippine Coast Guard District (PCG) NCR-CL Commander Arnaldo Lim ang mga personnel nito…

2 hours ago

Pimentel – iminungkahi ang pagkakaroon ng water cannon ng mga PCG

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na karapatan din ng bansang magkaroon ng sarili…

2 hours ago