Concert ni Janella Salvador, na-postpone

Na-postpone ang 10-year anniversary concert ng aktres at singer na si Janella Salvador, na gaganapin sana sa April 19.

Ayon sa kanyang management,  kinakailangan i-postpone ang concert dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Biro naman ni Janella sa kanyang social media ang mga linyang, “Paos ako, kayo na lang,” na naging kontrobersyal nitong nakaraang araw matapos mabatikos dahil sa kanyang “joke” sa isang guesting.

Sa kabila nito, lubos pa ring nagpapasalamat si Janella sa kanyang fans at ipinangakong mas magiging handa na siya kapag na re-schedule na ang nasabing concert.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *