Condemned classrooms at iba pang mga problema sa pampublikong paaralan sa Naga City pinag –uusapan

NAGA CITY – Nakasalang na sa Naga City School Board at sa komitiba ng edukasyon sa konseho ang ilang problema sa classrooms sa mga pampublikong paaralan tulad ng sa Julian Meliton Elementary School na may 32 condemned classrooms na, ibig sabihin hindi na pinapagamit dahil sa kalumaan at mapanganib na sa mga mag-aaral pati na rin sa mga guro.

Nabanggit ni Neil Romano Manaog, School Principal na dekada ’50 pa ang mga classrooms sa kanilang paaralan kaya hindi kataka-takang sira na ang mga ito, bulok na dahil sa mga anay at mapanganib na kung patuloy nilang gagamitin.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Education Committee, sinabi niyang kailangan ng mapalitan ang mga lumang school building dahil nga sa matagal na ang ito, hindi na madadala sa anumang repair sa halip palitan na.

Nilinaw niya na dapat mapondohan ito ng Department of Education dahil ang LGU-Naga ay limitado lamang ang suportang naibibigay sa mga paaralan.             

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *