Cong. LRay Villafuerte – kumpyansang susuportahan ng mayorya ang pag-reschedule ng 2025 BSKE sa 2026

Positibo si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na makakukuha siya ng suporta sa kanyang isinusulong na pag-reschedule ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 2026.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Villafuerte, sinabi nitong ikinatutuwa ng mga local officials ang naturang hakbang.

Matatandaang isinulong niya ang pag-move ng halalan dahil tila’y bitin daw ang dalawang taong termino ng mga kapapanalo lang na barangay officials noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Villafuerte, hindi natatapos sa pagboto at pagpili ang karapatan ng mga tao.

May karapatan aniya kasi ang publiko na ang mga binoto nila at makapagsilbi ng tatlong taon, at mapatupad sa kanila ang mga ipinangakong serbisyo.

Sa huli, nanindigan ang mambabatas na gaya ng electorate – karapatan din ng mga local officials ang makapagsilbi ng tatlong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *