Cong. Ralph Recto, manunumpa na bilang bagong DOF Secretary

Manunumpa na raw bukas, January 12 bilang bagong kalihim ng Department of Finance si House Deputy Speaker Ralph Recto.

Mismong ang asawa nitong si Vilma Santos-Recto ang nagkumpirma sa naturang isyu.

Anya, binigyan ng pagkakataon ng Marcos administration ang kanyang mister dahil sa pagiging magaling nitong ekonomista.

Papalitan ni Recto si DOF Secretary Benjamin Diokno.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Presidential Communications Office o PCO hinggil sa pagkakatalaga kay Recto.

Nabatid na buwan ng Oktubre nang unang naging matunog ang pangalan ni Recto na papalit kay Diokno bilang DOF secretary.

Nakasama rin ito sa mga huling travel abroad ni Pangulong Bongbong Marcos bago matapos ang taong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *