Conjugal Visit sa Naga City District Jail mas pinahaba ngayong pasko at bagong taon

NAGA CITY –Mas pinahaba ang conjugal visit ng mga mag-asawa sa Naga City District Jail, sa layuning mas maramdaman ng mag-asawa ang tunay na diwa ng Pasko at Bagong Taon dahil sa matagal-tagal silang oras na magkakasama.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Jail Chief Inspector Jerome  Gerero, OIC Warden ng district jail , na sa regular days ay mula ala-una hanggang alas 4:00 ng hapon lamang, subalit ngayong Pasko at Bagong Taon magsisimula ito ng mas maaga sa oras na 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

May mga pribadong kuwarto silang inihanda sa mga mag-asawa para mas makapag solo ang mga ito at maging maligaya sa loob ng mga nabanggit na oras.

  Ang district jail ay 360 populasyon o Persons Deprived of Liberty, subalit ang bilang na ito ay tiyak na mababawasan dahil sa may mga na avail ng Parol na nasa proseso na ngayon at ang iba ay dadahil na rin sa Bureau of Correction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *