Connor McGregor, magbabalik sa UFC

Inanunsyo ni Mixed martial arts star Conor McGregor na pinaplano niyang bumalik sa UFC sa Hunyo 29 laban kay Michael Chandler.

Gaganapin ang tinawag niyang “greatest comeback of all time” sa Las Vegas, sa International Fight Week.

Huling lumaban si McGregor sa UFC 264 noong Hulyo 2021, kung saan tinalo siya ni Dustin Poirier sa pamamagitan ng first-round technical knockout matapos mabali ang binti ni McGregor.

Samantala, isa namang three-time Bellator lightweight world champion si Chandler, na may rekord na 23 wins, 8 losses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *