Construction worker, arestado matapos magnakaw ng tsokolate sa isang botika sa Legazpi City

LEGAZPI CITY -Arestado ang isang construction worker matapos magnakaw ng tsokalate sa isang botika sa Brgy. Baybay, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dennis”, 40 anyos at residente ng Purok 8, Brgy. Bigaa ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, sinalaysay ng complainant na pumasok ang suspek sa nasabing establisimento saka kinuha sa display rack ang tatlong piraso ng chocolate bar na ipinasok sa kaliwang bulsa at lumabas sa pinto nang hindi binayaran ang nasabing item.

Maliban pa rito, itinuro ng isa sa mga customer ang suspek dahilan upang agad na arestuhin ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *