Construction worker, arestado sa buy-bust ops sa Daraga

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga otoridad ang isang construction worker sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 4, Duterte Highway, Brgy. Tagas, bayan ng Daraga.

Kinilala ang suspek na si Jonel Credo, 29 anyos at residente ng Purok 1, Brgy. Sabang, lungsod ng Legazpi.

Ayon sa report, kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete na pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP1,000.

Narekober pa sa kanya ang dalawa pang piraso ng kaparehong item at perang ginamit sa operasyon.

Napag-alaman din na kakalabas pa lamang ng suspek sa kulungan noong Setymbre dahil sa ibinigay na probisyon ng korte.

Taon 2021 kasi ay nahuli ang suspek sa kanyang barangay dahil din sa kaparehong operasyon na in-operate ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *