Construction worker, kulong dahil sa kasong Rape

Kulong ang isang 46 anyos na construction worker na may kasong Rape sa Purok Magkaisa Barangay Sandoval Narra, Palawan.

Ang inaresto ng Narra PNP ganap na alas-syete bente ng umaga ngayong Biyernes ay kinilalang si Ruperto Manansala Miraflor, may asawa.

Iniulat ng Palawan Provincial Police Office na hinuli si Ruperto ng pinag-sanib pwersa ng Narra MPs,1st PPMFC, PIU, HPU, 2nd SOU MG Quezon SBU at iba pang unit.

Maayos umanong sumama sa pulisya ang suspek bago ito dinala sa Narra Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *