Construction worker – natabunan ng lupa sa ginagawang bahay sa Antipolo

Patay ang isang construction worker matapos matabunan ng lupa sa ginagawang bahay sa Antipolo City.

Tumagal ng limang oras bago nahukay ang bangkay ng lalaki na natabunan ng mga debris.

Pinaiimbestigahan na Antipolo City Mayor Jun Ynares kung bakit nagkaroon ng soil erosion na wala namang pag-ulan sa lugar.

Samantala, hindi naman itutuloy ng ka live-in partner ng biktima na magsampa ng kaso basta’t maasikaso lamang ang mga gastusin sa pagpapalibing.

Sa ngayon, ipinatigil muna ang building construction sa lugar habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga building official.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *