Construction worker – patay sa gumuhong ginagawang bahay sa QC

Patay ang isang construction worker matapos gumuho ang isang bahay sa Quezon City.

Bukod sa nasawi, may tatlo pang nasugatan sa insidente.

Isa na rito ang mismong may-ari ng bahay na agad tumakas pagkatapos gumuho ang bagay.

Batay sa imbestigasyon, malambot ang lupang tinatayuan ng bahay at wala rin itong building permit.

Ayon sa Quezon City Police District, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay katabi ng creek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *