Construction worker sa Monreal, Masbate nahulog sa gusali, patay; katawan ng isang palaboy natagpuang lulutang-lutang sa pier ng lungsod ng Masbate

SORSOGON CITY – Sa semento na lumagapak ang katawan ng isang construction worker matapos mahulog ito sa ikatlong palapag ng ginagawang milktea shop sa Brgy Pobalcion sa bayan ng Monreal, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Emilio Lobin, 37-anyos, naninirahan sa Sitio Liang, Brgy Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa MDRRMO-Monreal, na unang rumesponde sa nasabing lugar, napinsala ang ulo nito na siyang nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Nabatid na umuulan nang mangyari ang aksidente at pinaniniwalaan na nadulas ang biktima.

Ayon pa sa personahe ng MDRRMO, wala umanong safety equipment na gamit ang nasabing construction worker.

Samantala, kaninang umaga sa pier ng lungsod ng Masbate ay natagpuang palutang-lutang ang katawan ng isang lalaki.

Kinilala lamang ito sa pangalang Rayning. Ito umano ay isang palaboy at madalas na nakikitang natutulog sa pier.

Ayon sa mga rescuers, possible umanong nahulog ito sa dagat habang ito ay tulog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *