Construction worker, timbog sa buy-bust ops sa Tabaco City; P2.8M na halaga ng shabu, nasamsam

LEGAZPI CITY – Aabot sa P2.8M na halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga otoridad sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 4, Brgy. San Roque, lungsod ng Tabaco, Albay.

Nahuli ang 32 taong gulang na suspek na kinilalang si alyas “Kaloy” na tinukoy din bilang isang high-value individual asin nakumpiska sa kanya ang apat na knot-tied at isang selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 418.525 grams.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyan na itong hawak ng Tabaco City PNP para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *