Contingency measures ng APEC, sakaling magka aberya sa suplay ng kuryente ngayong Halalan, kasado na!

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Power and Energy Corporation o APEC General Manager – Apolinario Alvarez, na nakahanda na umano ang kanilang ‘contingency measures’ sakaling magkaroon ng aberya sa suplay ng kuryente sa araw ng Halalan.

Ayon sa opisyal, maglalagay sila ng kaukulang numero na pwedeng matawagan at mahingan ng asistensya sakaling magkaroon ng problema sa kuryente habang nakahanda rin ang kanilang tanggapan na mag provide ng generator kung kakailanganin.

Dagdag pa nito, nananawagan din ang kooperatiba sa mga barangay officials at mga member consumers, na makiisa sakanilang mga isasagawang hakbang tungo sa matagumpay na National and Local Election sa lalawigan ng Albay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *