Coordination meeting para sa paglalagay ng DFA Office sa Olongapo gagawin na sa Byernes

Magkakaroon ng coordination meeting sa darating na Byernes ang lungsod ng Olongapo para sa paglalagay ng opisina ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., mayroon nang nakareserve na lugar sa SM Central para paglagyan ng opisina.

Kapag natuloy na ito ay mas magiging madali sa mamamayan ng lungsod maging ng mga karatig na lugar ang pagpoproseso ang mga dokumentong kailangan sa DFA dahil mas magiging malapit na.

Pagkatapos umano ng coordination meeting ay iimbitahan ng syudad ang mga tauhan ng DFA para bisitahin ang itinakdang lugar sa SM Central.

Taong 2019 pa umano napag-usapan ang tungkol dito subalit dahil sa ilang kaganapan ay hindi natuloy kaagad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Shop Now Lazada Did you know? Vitamin c is rich in antioxidants. But How does antioxidant work in your body? ANTIOXIDANTS ANTS 금 102Cmesules ASCORBIC ASCORBICACID ACID CsciumAscerbale) scorbate) GUARD-C C FREE REERADICALS RADICALS VIT TAMIN- ASCORBIC ACID as Calcium Ascorbate) GUARD- www.aza.phbigiatlalli'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *