Council ng Barangay Panicuason, Naga  City tinutugunan na ang pagkaalarma ng ilang residente sa lalaking naka bonet na nakakita sa lugar

NAGA CITY- Ikina-alarma ng ilang residente sa Panicuason,  Naga City ang nakitang lalaking naka suot ng bonet, hindi sa kanila pamilyar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Domingo Ramos, binanggit na ilang residente ang nag-paabot sa kaniya ng sumbong nitong Lunes , natatakot dahil sa nangyaring krimen sa Barangay Liboton. Ang lugar ay malayo na sa sentro ng lungsod malapit na sa Mt. Isarog.

Kasunod nito inalam ni Ramos sa mga otoridad kung may nakatakas na nasa ilalim ng kanilang kostudiya o di kaya kung may nakatakas na person deprived of liberty. Wala mang nakatakas nakabantay ang barangay tanod dahil baka pinaghahanap ng batas.

Ang pulisya sa lungsod inatasan ng alkalde na sundin ang kanilang deployment plan, sa centro man ito o sa upper Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *