Counter-security vs electoral protest actions, pinalakas ng PNP-Bicol

SORSOGON CITY – Pinalakas ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang kanilang kotra-seguridad na mga hakbang upang maiwasan ang mga aksyong protesta na sanhi ng nakalipas na eleksyon na maaaring makagambala sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagtatatag ng Operational Plan o Oplan ‘Bicol Shield.’

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng PRO-5 na si PMaj Malu Calubaquib, na ang inisyatiba ay direktang may kinalaman sa pagtugon sa mga kaguluhang sibil o civil disturbances at crowd control na maaaring mangyari kasunod ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa katatapos na pambansa at lokal na halalan.

Ang Oplan Bicol Shield ay binubuo ng mga civil disturbance management (CDM) contingents na dati nang naka-deploy sa iba’t-ibang polling precinct, ipapadala ang mga ito sa lahat ng natukoy na lugar na may rally o protesta.

Dagdag pa ng opisyal magtatakda ang PRO5 ng strategic control point sa mga major thoroughfares at pangunahing ruta upang maiwasan ang pagpasok ng mga makakaliwang organisasyon at mga cause-oriented groups na maaaring magbabalak na pumunta sa Maynila upang magsagawa ng mga rally at protesta.

Isasagawa ito sa pakikipag-ugnayan sa LTO, Highway Patrol Group. Armed Forces of the Phils,  force multipliers at iba pang ahensyang katuwang.

PHOTO: CDM-Sorsogon PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *