COVID-19 Case surge dahil sa BQ.1, posible, pero hindi malala – Salvaña

‘Wag nang hintayin ang bivalent vaccines – Solante

Muling hinikayat ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na.

Ito ay kasunod ng kumpirmadong detection ng 14 na mga kaso ng BQ.1 Omicron subvariant na inilalarawan bilang mas transmissible at immune-evasive.

Sa isang panayam, sinabi ni Solante na hanggat wala pa ring boosted dose ang isang indibidwal – lalo lamang tataas ang risk niya na mahawa lalo na’t patuloy na nagmu-mutate ang COVID-19.

Aniya, hindi na dapat pang hintayin ang mga bivalent at new generation vaccines na makarating ng bansa.

Paliwanag nito, BQ.1 subvariant ang tinitignan ngayong dahilan ng muling surge ng infections sa Amerika.

Payo ni Solante, para matiyak na magiging ‘Merry’ ang Christmas – dapat ay masigurong protektado ang bawat miyembro ng pamilya mula sa sever infection.

Hinikayat din ng eksperto ang publiko na makilahok sa idaraos na ‘Bakunahang Bayan’ ng Department of Health na nakatakda sa December 5 hanggang 7.

Case surge, posible, pero hindi malala – Salvaña

Hindi inaalis ni infectious diseases expert Dr. Edsel Salvaña ang posibilidad na muling magkaroon ng case surge ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Salvaña na may tiyansa nga ng pagsipang muli ng mga infections sa bansa.

Sa kabila nito, mababa raw ang posiblidad na mapilay ang healthcare facilities sa bansa.

Paliwanag niya, hindi naman daw ito hihigit sa limanglibong kaso, at mga mild infections lamang ang tatama sa mga infected individuals.

Bago ito, una nang sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na may mga nakalatag na hakbang ang Kagawaran para maiwasan ang muling paglobo sa healthcare utilization rate.

Muli ring hinikayat ni Vergeire ang publiko na magpabakuna na at patuloy pa ring sumunod sa mga health protocols para maiwasan ang hawaan ng kahit na ano pa mang strain o variants ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *