COVID-19 cases, lumampas pa sa 1.3-M; Active infections, muling sumipa sa 61k

Sumipa pa sa 1.3-M ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas,matapos maitala ng Department of Health ang 6,686 na mga bagong infections.

Sa bagong case bulletin ng DOH, nasa 1,300,349 na ang kabuoang kaso kung saan 4.7% o 61,345 dito ang active cases.

Ito ang pinakamataas na active case count simula noong May 8 nang maitala ang 63,000 na ill patients.

Samantala, ang death toll ay nasa 22,507 na matapos madagdagan ng 196 bagong fatalities o 1.73% ng kabuoang bilang, habang ang recovery count ngayon ay nasa 1,216,497 o katumbas sa 93.6% ng infection total, matapos gumaling ang 3,190 pang pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *