COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 14k; 300 na bagong kaso naiulat ngayong araw

BICOL—Matapos na maiulat ang panibagong record high single day case na 377 sa kaso ng COVID-19 kahapon ay muling nagtala ang Bicol region ng mataas na bagong kaso ngayong araw na umabot sa 300. Bunsod nito, pumalo na sa 14, 102 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamaraming bagong kaso ang lalawigan ng Albay na mayroong 130 kung saan 69 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 12 sa bayan ng Daraga, siyam sa lungsod ng Tabaco, tiglilima ang mga bayan ng Libon, Manito, Polangui at Tiwi, tig-aapat ang mga bayan ng Bacacay, Pioduran at lungsod ng Ligao, tatlo sa bayan ng Oas, dalawa sa bayan ng Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Jovellar at Sto. Domingo.

Sumunod ang lalawigan ng Camarines Sur na nagtala ng 78 bagong kaso kung saan 13 nito ay mula sa bayan ng Goa, sampo sa bayan ng Tigaon, pito sa lungsod ng Naga, anim sa lungsod ng Iriga, tiglilima ang mga bayan ng Balatan, Pasacao at Ragay, tig-apat ang bayan ng Calabanga at San Jose, tatlo sa bayan ng Baao, tigdadalawa ang mga bayan ng Bato, Pili at Sagñay, at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Canaman, Libmanan, Milaor, Nabua, Ocampo, Pamplona, Presentacion, San Fernando at Tinambac.

74 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 41 nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon, 12 sa bayan ng Matnog, siyam sa bayan ng Bulan, tigtatlo ang bayan ng Casiguran at Gubat, tigdalawa ang bayan ng Castilla at Juban at tig-isa ang bayan ng Donsol at Irosin.

Sampong bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan tatlo ang mula sa bayan ng Mercedes, tigdalawa ang bayan ng Basud at Daet at tig-iisa ang mga bayan ng Sta. Elena, Talisay at Vinzons.

Pitong bagong kaso ang naitala sa Masbate kung saan lima nito ay mula sa Masbate City at tig-isa ang bayan ng Claveria at Mandaon. Isang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Cartanduanes na mula sa bayan ng Virac.

Limang bagong pagkasawi ang nadagdag kung saan tatlo nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon habang dalawa naman ang naitala sa lalalwigan ng Albay. Sa kabuuan, umaabot na sa 453 ang death toll sa sakit sa rehiyon.

Samantala, 103 na bagong recoveries naman ang naitala kung saan 57 nito ay mula sa Camarines Sur, 26 sa Albay, 11 sa Sorsogon at siyam sa Catanduanes. Busnod nito sumampa na sa kabuuang 8,900 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *