COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 8K; aktibong kaso patuloy pang nadagdagan

BICOL—Pumalo na sa 8,124 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 107 na panibagong kaso nitong araw ng Linggo. Dahil dito, tumaas din sa 2,191 o 26.97% ang bilang ng mga aktibong kaso ng sakit.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Albay na may 38. Siyam nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, anim sa lungsod ng Ligao at anin din sa bayan ng Daraga, lima sa bayan ng Santo Domingo, tatlo sa bayan ng Polangui, tigdadalawa ang mga bayan ng Camalig, Manito, Tiwi at lungsod ng Tabaco at isa sa bayan ng Oas.

Sumunod sa may mataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na nagtala ng 34 kung saan 11 nito ay mula sa Naga City, anim sa bayan ng Del Gallego, anim din sa Iriga City, apat sa bayan ng Bato, dalawa sa bayan ng Libmanan at tig-iisa sa mga bayan ng Buhi, Bula, Goa, Minalabac at Pili.

Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 21 bagong kaso kung saan anim ay mula sa bayan ng Gubat, lima sa lungsod ng Sorsogon, tatlo sa bayan ng Matnog, dalawa sa bayan ng Bulan at Juban at tig-iisa ang mga bayan ng Casiguran, Donsol at Santa Magdalena.

Mayroon namang 14 na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Basud, lima rin sa bayan ng Daet, dalawa sa bayan ng Santa Elena at tig-isa ang bayan ng Labo at Mercedes.

Isang panibagong pagkasawi naman ang nadagdag na naitala sa lalawigan ng Camarines Norte. Dahil dito, umakyat na sa 287 o 3.53% ang total COVID-19 death toll sa Bicol.

Samantala, 14 na bagong recoveries ang nadagdag, 13 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at isa sa lalawigan ng Catanduanes. Dahil dito, pumalo na sa 5,646 o 69.50% ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *