COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa mahigit 10k; 16 deaths, 100 new cases, 68 recoveries ngayong araw

BNFM BICOL—Pumalo na sa 10,091 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng karagdagang 100 bagong kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 44 kung saan 12 nito ay mula sa Naga City, walo sa bayan ng Gainza, anim sa bayan ng Canaman, lima sa bayan ng Nabua, apat sa lungsod ng Iriga, dalawa sa bayan ng Minalabac at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Buhi, Cabusao, Libmanan, Pili, Sagñay, at San Jose.

20 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan sampo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, lima sa bayan ng Daraga, dalawa sa bayan ng Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Manito, Tiwi at lungsod ng Ligao.

17 bagong kaso ang naitala sa Masbate kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Aroroy, lima sa Masbate City at apat sa bayan ng Calveria.

Siyam na kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Daet, dalawa sa bayan ng Labo at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Capalonga at Paracale.

Siyam na kaso rin ang nadagdag sa Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City at tig-iisa ang mga bayan ng Bulan, Matnog, Pilar at Prieto Diaz. Isang kaso ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes na mula sa bayan ng Baras.

Samantala, 16 na bagong pagkasawi ang naitala kung kaya pumalo na sa 363 ang COVID-19 death toll sa rehiyon. Sampo nito ay mula sa Camarines Sur, apat sa Camarines Norte at dalawa sa lungsod ng Naga.

Habang 68 naman ang mga bagong gumaling kung saan 50 nito ay mula sa Camarines Sur, pito sa Catanduanes, anim sa Camarines Norte at lima sa Sorsogon. Sa kabuuan, pumalo na sa 7,061 ang mga gumaling sa sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *