COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa mahigit 16K

BICOL—Pumalo na sa 16,153 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 212 na bagong kaso kahapon. Bunsod nito ay umabot na rin sa 5,552 (34.37%) ang aktibong kaso ng sakit.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 68 kung saan 26 nito ay mula sa Naga City, sampo sa bayan ng Nabua, pito sa bayan ng Pili, apat sa bayan ng Canaman, tigtatatlo ang mga bayan ng Buhi, Milaor at Tinambac, tigdalawa ang bayan ng San Jose at Ragay at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Caramoan, Goa, Magarao, Ocampo, Sipocot, Tigaon at lungsod ng Iriga.

Sumunod sa may mataas na kaso ang lalawigan ng Masbate na may 46 kung saan 12 nito ay mula sa Masbate City, walo sa bayan ng Mandaon, anim sa bayan ng Aroroy, lima sa bayan ng Mobo, tigtatatlo ang mga bayan ng Dimasalang, Esperanza at Milagros, dalawa sa bayan ng Cawayan at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Palanas, Pio V. Corpuz at San Fernando.

39 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan 12 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, pito sa lungsod ng Ligao, lima sa bayan ng Daraga, apat sa bayan ng Sto. Domingo, tigdadalawa ang mga bayan ng Malilipot, Oas at lungsod ng Tabaco at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Guinobatan, Libon at Polangui.

36 na bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan 14 nito ay mula sa Sorsogon City, tigpito ang Irosin at Matnog, dalawa sa bayan ng Bulusan at tig-iisa ang mga bayan ng Bulan, Casiguran, Gubat, Magallanes, Pilar at Sta. Magdalena.

23 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Virac, tig-apat ang bayan ng Bato at San Andres, tigdalawa ang bayan ng Bagamanoc at Caramoran at isa sa bayan ng Baras.

Zero new case  naman ang lalawigan ng Camarines Norte.

Samantala, limang bagong insidente ng pagkasawi ang nadagdag kung saan apat nito ay mula sa Sorsogon at isa sa Albay. Sa kabuuan, pumalo na sa 507 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol.

Mayroon namang 50 bagong recoveries kung kaya pumalo na sa 10,094 (62.49%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling. 23 sa mga bagong gumaling ay mula sa Albay, 19 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.

Kaugnat nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *